IBINALITA ni Acting Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na tuloy ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga.
Nakasamsam sila ng higit sa 24 na kilo ng shabu mula sa dalawang pinaghihinalaan sa ginawang police operation sa Sta. Ana, Manila.
May operasyon ding nagbunga at nabawi ang kargamentong nagkakahalaga ng P 163 milyong sa isang nakaparadang kotse sa harap ng Manila Central University kahapon ng hapon. Kinilala ang mga suspect sa pangalang Luzviminda Basilio at Jocelyn Santos.
Nagkaroon din ng follow-up operations sa isang barangay sa Sta. Ana, Maynila na ikinadakip ng dalawang iba pa.
Ikinagalak din ni G. Año ang suporta ng mga mamamayan sa nakalipas na tatlong buwan ng 2017 sa pagkakaroon ng 88% o siyam sa bawat sampung Filipino ang sang-ayon sa ginagawang kampanya ng pulisya laban sa illegal na droga.