|
||||||||
|
||
Sa opisina ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, nakalagay ang ilang litrato ng pamilya sa iba't-ibang dekada. Isa sa mga ito ay pamamasyal niya kasama ng kanyang matandang ama, asawa, at anak na babae.
Ayon sa tradisyonal na kagawian ng Nasyong Tsino, dapat pahalagahan ang pamilya at igalang ang mga magulang: ito ay malalimang nakaka-ugat sa puso ni Xi Jinping.
Napakalaki ng impluwensiya nito sa buhay ni Xi. Ang buong buhay ng ama ni Xi na si Xi Zhongxun, ay buhay ng taos-pusong paglilingkod sa mga mamamayan.
Sa bisperas ng International Children's Day sa kasalukuyang taon, ipinahayag ni Xi ang pag-asang aalamin ng mga batang Tsino ang mas maraming kaalamang historikal tungkol sa rebolusyon, konstruksyon, at repormang Tsino, at matututunan ang ehemplo ng mga modelong bayani hinggil sa pagmamahal sa partido, bansa, at mga mamamayan upang ituloy ang diwa ng mga bayaning ito sa hene-henerasyon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon. Sa katotohanan, ang kasabihang ito ay karanasan ng buhay ni Xi Jinping.
Sa kanyang isang liham para kay Xi Zhongxun , sinabi ni Xi Jinping na maraming kabutihang nais siyang ipagpatuloy at matutunan mula sa kanyang ama.
Makaraang basahin ni Xi Zhongxun ang liham, sinabi niya na dapat ipauna ang gawain, at malaking pangyayaring pang-estado. Aniya, ang paglilingkod sa mga mamamayan ay pinakamalaking respeto sa mga magulang.
Ang mga ibinigay na impluwensiya ni Xi Zhongxun para kay Xi Jinping, ay nasa lahat ng detalye ng pamumuhay
Mula opisyal ng nayon hanggang sa Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at mula karaniwang sibilyan sa Pangulo ng bansa, palagiang tinutupad ni Xi Jinping ang layuning "taos-pusong maglingkod sa mga mamamayan" sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Makaraang maging opisyal si Xi Jinping, sinabi minsan ni Xi Zhongxun kay Xi Jinping na "gaano man kataas ang posisyon mo, hindi mo dapat makalimutan ang matapat at taos-pusong paglilingkod sa mga mamamayan, at aktuwal na hanapin ang kapakanan para sa mga mamamayan."
Sa mula't mula pa'y inaalala ni Xi Jinping ang sinabi ng kanyang ama, at ginagawa itong ehemplo sa paghahanap at pagpupunyagi niya sa buong buhay.
Taglay ang isang pusong naglilingkod sa mga mamamayan, nagsisikap si Xi Jinping upang magkaroon ang lahat ng mamamayan ng mas mabuting edukasyon, mas matatag na trabaho, mas kasiya-siyang kita, mas maaasahang segurong panlipunan, mas mataas na lebel ng serbisyong medikal, mas mainam na kondisyon ng panirahan, mas magandang kapaligiran, at mas mayamang pamumuhay na pangkultura.
"Tiyak na maisasakatuparan ang ibinigay na pangako ng CPC sa mga mamamayan," sabi ni Xi Jinping.
Ang ideyang "ipauna ang kaunlaran ng mga mamamayan" ay nagsisilbing mahalagang patnubay para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunang Tsino sa bagong siglo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |