|
||||||||
|
||
Sa istante ng mga aklat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, may isang kuhang-larawang nagpapakitang lumalakad nang hawak-kamay si Xi at ang kanyang ina na si Qi Xin, sa loob ng parke.
Noong 1962, inimbestigahan at suspendido sa puwesto ang ama ni Xi, na si Xi Zhongxun, dahil sa isyung pulitikal. Lumipat si Xi Jinping sa isang mahirap na nayon sa lalawigang Shaanxi, samantala, ipinadala si Nanay Qi sa isang sakahan sa lalawigang Henan para magtrabaho. Malayo sa isa't isa at bilang pagpapahayag ng paalaala sa anak, ginawa ni Nanay Qi ang isang telang bag para kay Xi, kung saan ibinurda ang tatlong titik na Tsino na nangangahulugang "puso ng nanay."
Noon nagtrabaho si Xi Jinping sa labas ng Beijing, madalas na sumulat sa kanya si Nanay Qi, at hiniling kay Xi na maging mahigpit sa sarili. Sa mga pagtitipun-tipon ng pamilya, madalas ding hiniling ni Nanay Qi sa kanyang iba pang mga anak, na huwag magnegosyo sa mga larangang pinamamahalaan ni Xi Jinping. Dahil sa impluwensiya ng kanyang mga magulang, saan man nagtatrabaho siya, laging hinihimok ni Xi Jinping ang kanyang mga kaibigan at kamag-anakan, na huwag samantalahin ang puwesto niya, para matamo ang pansariling interes.
Noong bakasyon ng Spring Festival ng taong 2001, habang gobernador si Xi Jinping ng lalawigang Fujian sa katimugan ng Tsina, hindi maari siyang pumunta sa Beijing para sa family reunion kasama ng kanyang mga magulang. Nag-usap sa telepono sina Nanay Qi at Xi. Sinabi ni Nanay Qi sa anak, na ang kanyang masigasig na trabaho ay pinakamagandang pagpapahayag ng pagmamahal sa mga magulang at kanyang pinakamalaking responsibilidad sa pamilya.
Nitong nakalipas na anim na Spring Festivals, sapul nang manungkulan si Xi Jinping bilang Pangulo ng Tsina, bumisita siya sa lahat ng mga liblib at mahirap na lugar, na pinaninirahan ng mga grupong etniko, o kilala bilang "revolutionary bases." Ipinakikita ng kuhang larawang ito ang pagdating ni Xi sa tahanan ng isang mahirap na pamilya, sa Liangshan Yi Ethinicity Autonomous Prefecture ng lalawigang Sichuan, noong bisperas ng Spring Festival ng taong 2018.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |