Dito sa Tsina, may isa pang bagong kapistahan sa May 20. Dahil sa wikang Tsino, similar ang bigkas ng "5.20" sa "I Love You," itinuturing ng mga Chinese netizens ang araw na ito bilang kapistahang nagsasabi ng pag-ibig sa Intenet Age. Sa kapistahang ito, naalaala ng mga tao ang kuwento ng pag-ibig ni Xi Jinping, kataas-taasang lider ng Tsina, at kanyang asawang si Peng Liyuan.
Nagbibigay-galang si Xi Jinping sa kanyang mga magulang, at inaalagaan ang kanyang asawa at anak. Lubos niyang pinahahalagahan ang kaligayahan ng kanyang pamilya. Nag-iibigan sina Xi at Peng na nagsisilbing "modelo ng mag-asawa" sa mga puso ng mga mamamayan.
Nasa kanilang mga puso ang pagpapa-una ng kapakanan sa mga mamamayan, at ang masaganang pamumuhay ng lahat ng pamilya ng bansa ay nagsisilbing target ng palagiang pagsisikap ni Pangulong Xi. Sinabi niya na ang paglakas ng bansa, pag-ahon ng nayon, at kaligayahan ng mga mamamayan, ay nagpapakita ng kaligayahan ng bawat pamilya ng bansa, at ng walang humpay na pagbuti ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng Nasyong Tsino.
Salin: Li Feng