|
||||||||
|
||
Si Raya Martin, Pilipinong juror sa Asian New Talent Award ng Ika-21 Shanghai International Film Festival
Ang Shanghai International Film Festival (SIFF) ay isa sa pinakaimpluwensyal sa Asia. Ipinahayag ito ni Raya Martin, tanging Pilipinong juror sa Asian New Talent Award ng Ika 21 SIFF.Sa press conference na ginanap Hunyo 18, 2018 sa Crowne Plaza Hotel Shanghai, ipinahayag ni Martin na sinusuportahan ng SIFF ang mga batang filmmakers at sinusuportahan nito ang dibersidad.
Group photo ng Asian New Talent Award jury.
Aniya pa, "First time kong pumunta sa Tsina, diretso pa sa isang pestibal sa Shanghai, ang lahat ay bago at kapanapanabik. Natututo ako tungkol sa kultura at nakakikilala ng mga tao sa tulong ng mga pelikula."
Bilang isang inampalan, ipinahayag ni Martin "Pinakaimportante sa akin, bukod sa mga ideas o konsepto ng pagkukwento yung emotions, yung mararamdaman mo pag narinig mo yung ganoong kwento, kung ano ang nahuhukay niya sa iyo. Importante na maramdaman ko yung sinasabi ng pelikula."
Hinggil naman sa paglahok ng Pilipinas sa mga internasyonal na pestibal, naniniwala si Martin na may malakas na tinig sa mundo ang pelikulang Pinoy ngunit ang katotohanan minoridad pa rin ang mga Pilipino. "Importante na ituloy ang tradisyon ng pagrepresenta ng kultura at ituloy ko ang tradisyong ito sa platapormang ito," dagdag niya.
Si Raya Martin habang kinakapanayam ng mamamahayag ng CRI Serbisyo Filipino
Ulat : Mac Ramos
Larawan : Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |