Nakatakdang pag-usapan nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea ang hinggil sa mga proyektong pangkooperasyon nila ng Hilagang Korea (DPRK).
Ito ang ipinahayag ni Igor Morgulov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya nang kapanayamin ng media Lunes, Hunyo 18, 2018, sa Moscow, kabisera ng Rusya.
Naka-iskedyul na magsagawa ng tatlong araw na dalaw-pang-estado sa Rusya si Moon, simula Huwebes, Hunyo 21, 2018. Nitong nagdaang Abril 29, sa kanilang pag-uusap sa telepono, ipinalagay nina Moon at Putin na kailangang isagawa ang kooperasyong pangkabuhayan ng nasabing tatlong bansa para mapasulong ang kapayapaan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio