Ipinahayag ng Tsina ang mainit na pagtanggap at suporta sa mga natamong bunga ng pagtatagpo nina Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos at Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea (DPRK), na ginanap Martes, Hunyo 12, sa Singapore.
Sa pahayag na inilabas nang araw ring iyon, inilahad ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang katatapos na summit ay mahalagang progreso sa pagpapasulong ng denuclearization ng Korean Peninsula.
Anang pahayag, bilang kapitbansa ng Korean Peninsula at isa sa mga may kinalamang panig, ginawa ng Tsina ang walang-humpay na pagsisikap para sa denuclearization at katatagan ng Peninsula, sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon. Nakahanda anito ang Tsina na patuloy na magpunyagi para rito.
Salin: Jade
Pulido: Mac