Sentosa Island, Singapore—Nilagdaan Martes, Hunyo 12, nina Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos at Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea (DPRK) ang magkasanib na pahayag makaraan ang makasaysayang summit ng dalawang bansa.
Sa pahayag, sumang-ayon ang dalawang bansa na itatag ang bagong relasyon ng Amerika at Hilagang Korea at pangmatagalan at matatag na mekanismong pangkapayapaan ng Korean Peninsula.
Ipinangako ni Trump na ibigay ang garantiyang panseguridad para sa Hilagang Korea. Samantala, inulit naman ni Kim ang pangako sa denuclearization ng Korean Peninsula.
Bilang pagpapatupad sa mga natamong bunga ng pagtatagpo, magdaraos ang dalawang pamahalaan ng talastasan sa mataas na antas.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua