|
||||||||
|
||
IBINASURA ng Korte Suprema ang apela ng napatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa botong walo laban sa anim sa desisyong inilabas kanina. Pinawalang-saysay ang apela ng dating chief justice at pinanindigan ang naunang desisyon noong ika-11 ng Mayo.
Tinanggihan ng karamihan ng mga mahistrado ang apela ni Gng. Sereno na nagsabing tanging impeachment lamang ang makapagpapatalsik sa kanya.
Si Supreme Court spokesman Atty. Theodore Te ang naglabas ng balita sa mga mamamahayag kanina.
Sa desisyon kanina, nagsimula na ang 90-araw na paghahanap ng makakapalit ni Chief Justice Sereno. Isinasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas na madeklarang bakante ang luklukan ng punong mahistrado.
Pinatalsik si Gng. Sereno matapos umanong hindi makapagsumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth ng ilang taon samantalang naglilingkod bilang guro sa University of the Philippines College of Law. Magugunitang si Solicitor General Jose Calida ang nagparating ng quo warranto petition sa Korte Suprema na nagtatanong ng integridad ng punong mahistrado.
Sinabi ni Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Gng. Sereno na hindi na sila nagulat sa desisyon ng mga mahistrado at lilisanin na ni Gng. Sereno ang kanyang tanggapan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |