WALANG dapat ipangamba ang mga mamamayan sapagkat hindi magdedeklara ng Martial Law ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa Cotabato City kanina.
Ito ay sa likod ng pinasiglang kampanya laban sa mga "tambay" sa buong bansa. Sa idinaos na press briefing sa Cotabato City State Polytechnic College, sinabi ni G. Roque na hindi dahilan ang kampanya sa mga "tambay" upang mangambang magdedeklara ng Martial Law.
Nabanggit na umano ni Panguling Duterte na komplikado ang pagdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa. Ginawaga na ng Department of Interior and Local Government at Philippine National Police ang guidelines upang matupad ang direktiba ni Pangulong Duterte.
Tanging ang mga lumalabag sa mga ordinansa ang dinarakip ng mga pulis, dagdag pa ni Secretary Roque. Hindi naman inaalis ang probisyon sa Bill of Rights kaya't mayroong pananggalang ang mga mamamayan.