Geneva — Ipinahayag Miyerkules, Hunyo 20, 2018, ni Vojislav Suc, Tagapangulo ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), na ayon sa kaukulang proseso, maghahalal ito ng bagong miyembro sa lalong madaling panahon upang palitan ang Amerika na tumalikod sa UNHRC.
Idineklara Martes ni Nikki Haley, Pirmihang Kinatawang Amerikano sa UN, ang pagkalas ng kanyang bansa sa UNHRC. Sinabi niya na ang UNHRC ay "mayroong di pantay na pagtingin sa Israel, at hindi nito maaring mabisang pangalagaan ang karapatang pantao."
Salin: Li Feng