MAY rekomendasyon na ang Ombudsman na kasuhan sa Sandiganbayan sina dating Pangulong PNoy Aquino at dating Budget and Management Secretary Florencio Abad hinggil sa DAP.
May nakita umanong basehan ang Ombudsman upang sampahan ng kasong usurpation of legislative powers ayon sa Artikulo 239 ng Revised Penal Code sina Ginoong Aquino at Abad.
Bagama't hiwalay na kumilos sina G. Aquino at Abad, lumabas na iisa ang layunin ng dalawa at ito ay pasukin ang poder ng Kongreso sa pagpapalawak ng kahulungan ng savings upang matustusan ang mga proyekto sa ilalim ng DAP.
Sa panig ng Malacanang, sinabi ni Spokesman Harry Roque na bahala na ang hudikatura sa usapin.