Binuksan Hunyo 23, 2018 sa Singapore ang limang araw na eksibisyong pinamagatang " Silk Road Arts Tour." Dalawang daang obra ng mga artista mula sa 47 bansa't rehiyon ang naka-displey sa kaganapang ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Que Xiaohua, Cultural Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Singapore, na ito ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pagpapalitang di-pampamahalaan sa pagitan ng mga mamamayan ng bansa sa kahabaan ng "Belt and Road."
Ayon sa ulat, ang kasalukuyang eksibisyon ay unang istasyon ng nasabing arts tour. Ang mga kasunod nito ay Amerika, Rusya, Britanya, Pransya, Hapon, Australia, Thailand, Taiwan ng Tsina, at iba pa.