Napag-alaman noong ika-25 ng Hunyo, 2018 mula sa adwana ng Haikou, Lalawigang Hainan ng Tsina, nitong unang 5 buwan ng taong ito, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay naging pinakamalaking trade partner ng Hainan. Ang halaga ng kalakalan ng Hainan at ASEAN ay bumuo ng 24.1% sa kabuuang halaga ng lalawigan, nilampasan nito ang kalakalan ng Hainan at Amerika.
Nitong unang 5 buwan ng taong ito, may pagpapalitang pangkalakalan ang Lalawigang Hainan ng Tsina at 143 bansa at rehiyon. Ang kalakalan ng Hainan at 7 kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) ay lumaki ng 110% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
salin:Lele