Beijing, Tsina—Noong taong 2017, umabot sa 514.8 bilyong US dollar ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mas mataas ito ng 13.8% kumpara sa taong 2016.
Kabilang dito, umabot sa 279.1 bilyong dolyares ang pagluluwas ng Tsina sa ASEAN, at lumaki ito ng 9% kumpara sa 2016. Samantala, umabot sa 235.7 bilyong dolyares ang pag-aangkat ng Tsina mula sa ASEAN, na mas mataas ng 20% kumpara sa taong 2016.
Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni Xu Ningning, Ehekutibong Direktor ng China-ASEAN Bussiness Council (CABC) na sa taong 2018, sa pamamagitan ng mga proyektong gaya ng pag-a-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area at Lancang-Mekong Cooperation, ibayo pang lalago ang kalakalan ng dalawang panig.
Idinagdag pa niyang ang taong 2018 ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Bukod dito, ngayong taon ay Taon ng Inobasyon ng dalawang panig. Sa taong ito, ipagpapatuloy rin ng Tsina at ASEAN ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), aniya pa. Ipinagdiinan ni Xu na ang mga ito ay magsisilbing pagkakataon para mapaginhawa ang kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Jade
Pulido: Rhio