Binuksan noong ika-25 ng Hunyo, 2018, dito sa Beijing ang ika-2 Sesyon ng ika-13 Pirmihang Lupon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ang mga kalahok ay nagtatalakayan hinggil sa pagpawi ng karalitaan sa mga nakapahirap ng purok ng bansa.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Wang Yang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng CPPCC.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Hu Chunhua, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Pangalawang Premiyer ng Tsina na sapul nang idaos ang ika-18 pambansang kongreso ng CPC, natamo na ang pinakamabuting bunga ng pagpawi ng kahirapan sa kasaysayan, pero, mabigat at mahirap pa rin ang mga tungkulin. Aniya, dapat puspusang pasulungin ang progreso ng mga gawain sa mga napakahirap ng purok, isagawa ang mga may kinalamang patakarang piskal, pinansyal at panlupa, pabutihin ang imprastruktura at pampublikong serbisyo, palakasin ang nagsasariling kakayahan ng pagpapaunlad ng lokalidad, at nang sa gayo'y, maisakatuparan ang target ng pagpawi ng karalitaan.
salin:Lele