Sa regular na preskon Martes, Hunyo 26, 2018, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang kampanya laban sa droga, at aktibong kinakatigan at nilalahukan ang pandaigdigang kooperasyon laban sa droga. Nilagdaan aniya ng Tsina, kasama ng maraming bansa, ang bilateral na kasunduan laban sa droga, at tinulungan ang mga kapitbansa na isagawa ang kampanya laban sa droga. Sa hinaharap, palalakasin ng Tsina, tulad ng dati, ang pakikipagtulungan sa iba't ibang bansa, para magkakasamang likhain ang "daigdig na walang droga," dagdag pa niya.
Ngayong araw, Hunyo 26, ay International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking. Winika ito ni Lu nang sagutin ang tanong ng mamamahayag tungkol sa ginawang pagsisikap ng Tsina sa aspekto ng pandaigdigang kooperasyon laban sa droga.
Salin: Vera