Sa bisperas ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, inilabas ngayong araw, Lunes, ika-25 ng Hunyo 2018, ng China National Narcotics Control Commission ang ulat hinggil sa kalagayan ng mga ilegal na droga ng bansa noong 2017. Anang ulat, noong isang taon, mabisa ang mga gawain laban sa droga ng Tsina, nasa kontrol ang kalagayan ng droga, at napigilan ang bantang dulot ng isyu ng droga sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Ipinahayag ni Liu Yuejin, Pangalawang Puno ng naturang komisyon, na noong isang taon, dahil sa mga hakbangin ng pag-iwas at pagpigil sa ilegal na droga na isinagawa ng pamahalaang Tsino, bumaba nang halos sangkalima ang bilang ng mga bagong natuklasang tauhang gumagamit ng ilegal na droga.
Ayon pa rin kay Liu, noong isang taon, natuklasan ng Tsina ang halos 600 kaso ng paggawa ng droga at mahigit 100 libong kaso ng pagpupuslit ng droga. Samantala, lumaki ang bolyum ng mga drogang inihatid sa Tsina mula sa Golden Triangle, Golden Crescent, at Timog Amerika, dagdag niya.
Salin: Liu Kai