Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kabataang lumalabag sa batas, nararapat dalhin sa mga barangay center

(GMT+08:00) 2018-06-27 19:09:30       CRI

MAS makabubuting dalhin sa mga barangay center ang mga kabataang lumalabag sa batas sa halip na sa mga himpilan ng pulisya. Sumang-ayon si Chief Supt. Joselito Esquivel sa mga mungkahi nina Atty. Michael Henry Yusingco ng Ateneo School of Government at Eule Rico Bonganay, secretary general ng Salinlahi Alliance for Children's Concerns sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina.

MAY MGA SINANAY NA TAUHANG DADALO SA MGA KABATAAN.  Sinabi ni Chief Supt. Joselito T. Esquivel, Jr., Quezon City Police District director na may mga tauhan sa boat himpilan ng pulisya na nagangasiwa sa mga pangangailangan ng mga kababaihan at mga kabataan.  Kung may nasanay na rin sa mga barangay ay handa silang ibigay ang mga batang lumalabag sa batas.  (MA Photo)

Bagaman, binanggit ni Chief Supt. Esquivel na may kakulangan ng mga tauhan sa barangay na dumalo sa mga kabataan. May sinanay na silang mga tauhang makakasama ng mga social worker sapagkat may tanggapan ang pulisya na may kinalaman sa mga usapin ng kababaihan at mga kabataan.

Mayroon umano silang Women and Children's Protection Desk sa bawat himpilan ng pulisya. Ang problema nga lamang ay may 90% ng kanilang mga tanggapan ng pulisya sa Quezon City ay ipinaayos pa.

Kung mayroong mga may kakayahan sa mga barangay na tumugon sa mga usapin ng mga kabataan ay hindi sila mag-aatubiling ihatid ang mga kabataan sa mga barangay hall.

Sinabi ni Atty. Yusingco na nararapat lamang tumulong ang komunidad sa mga pagtatangka ng pulisyang manatiling ligtas ang kapaligiran. Si Atty. Yusingco ay isa sa mga may akda ng artikulong may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs na pinasigla ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Niliwanag din ng abogado na ayon sa kanilang pagsusuri ay karamihan ng napaslang sa kampanya laban sa droga ay pawang mahihirap.

Mula ng mag-utos si Pangulong Duterte na linisin ang mga tabing-daan, umabot sa 679 na menor de edad ang kanilang napagsabihan at napa-alalahanan matapos lumabag sa ordinansang nagtatakda ng curfew mula noong ika-13 ng Hunyo hanggang kahapon ng ikalima ng umaga.

Halos dalawang libo ang nadakip sa paggalugad ng mga pulis sa iba't ibang barangay sa Quezon City. Ang mga ipinagsumbong ay lumabag sa mga ordinansa laban sa paninigarilyo, pag-inom ng alak sa tabing-daan, paglalakad ng hubad sa lansangan at iba pa.

Naniniwala rin si Chief Supt. Esquivel na sa pagpapatupad ng mga ordinansa, mababawasan ang drug-related crimes sa lungsod.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>