Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maynila, nararapat ayusin

(GMT+08:00) 2018-06-26 11:33:10       CRI

 

CHINATOWN, NAPABAYAAN.  Sinabi ng manunulat na si Wilson Lee Flores na napabayaan ng pamahalaang lokal ang Binondo District, ang pinakamatandang Chinatown sa daigdig.  Nanawagan Siyang bigyang halaga ang mga makasaysayang bahagi ng lungsod para sa mga susunod na salinglahi.  (Melo Acuna)

 

PAGLILINIS, MAHALAGA.  Ito ang mensahe ni Congressman Lito Atienza, dating mayor ng Maynila.  Kung hindi malilinis ang kapaligiran, mga estero at Ilog, hindi rin mapakikinabangan ang Manila Bay, dagdag pa ni G. Atienza.  (Melo Acuna)

 

HANDA ANG MGA MAMAMAYANG MAKIISA.  Ayon kay Sister Nenet Daño ng Religious of the Good Shepherd, napatunayan niyang handing makiisa ang mga mamamayan sa mga programming magtataguyod ng pangkalahatang kabutihan.  Si Sr. Nenet ang namuno sa San Andres Bukid sa pagpepetisyon sa Korte Suprema upang maiwasan na ang mga pagpatay sa kampanya laban sa droga.  (Melo Acuna)

NAKALULUNGKOT ang kalagayan ng Lungsod ng Maynila. Ito ang nagkakaisang paninindigan ng karamihan ng dumalo sa lingguhang "Tapatan sa Aristocrat" kanina. Ayon kay Wilson Lee Flores, isang kolumnista ng Philippine Star, kinikilala ang Binondo bilang pinakamatandang Chinatown sa daigdig.

Nakasasama lamang ng loob na napabayaan ng kasalukuyang pamahalaang lokal ang paglilinis ng lugar kaya't nakahihiyang pagdalhan ng mga panauhin mula sa iba't ibang bansa.

Sa panig ni Congressman Lito Atienza, Jr. na naglingkod bilang punong-lungsod noong mga nakalipas na panahon, binuhay nila ang Maynila sa pamamagitan ng paglilinis at pakikipagtulungan sa mga barangay. Naging epektibo ang kanilang unang hakbang sapagkat nakiisa ang mga nasa barangay.

Ayon kay Dean Emerlito Pineda ng Universidad De Manila, kada Sabado ay lumalabas sila sa kanilang paaralan upang tumulong sa paglilinis ng iba't ibang bahagi ng lungsod.

Para kay Sr. Nenet Daño, ang mahihirap na tagalungsod ay handang makiisa sa pag-aayos ng lungsod kung magkakaroon lamang ng direksyon mula sa mga namumuno. Inihalimbawa niya ang kanilang ginawang pakikipagtulungan sa mga ina at maybahay ng mga naging biktima ng madugong programa ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga.

Ipinaliwanag ng madreng naglingkod sa mga piitan sa Senegal ng ilang taon na mahalagang manindigan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan upang huwag magpatuloy ang pang-aapi at pagpapahirap ng ilang mga autoridad. Ipinagpasalamat niya ang pagkilala ng Korte Suprema sa kanilang Writ of Amparo laban sa mga tauhan ng pulisya sa San Andres Bukid, isang maralitang bahagi ng Lungsod ng Maynila.

Binanggit naman ni Karen Papilleras, isang topnotcher sa board exams para sa pagiging registered electronics technician, kahit pa maganda ang kanyang mga grado ay nagdadalawang-isip pa rin ang mga may kumpanya na kunin siya sapagkat nagtapos siya sa Universidad De Manila, ang pamantasang itinayo ng Lungsod ng Maynila para sa mga mag-aaral na 'di makapapasa sa pagsubok ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM na ngayo'y nag-aalok na rin ng Medisina at Abogasya.

Bagaman, nagpapasalamat siya sa sa pagkakataong makapag-aral sa UDM sapagkat nabigyan siya ng kailangang edukasyon sapagkat nagmula siya sa pamilyang mahirap. Pumangalawa si Karen sa pagsusulit na ibinigay ng Professional Regulations Commission kamakailan.

Sa larangan ng politika, sinabi ni Congressman Atienza na hindi na siya magbabalak na tumakbo sa pagka-alkalde ng lungsod kung magiging maganda ang paglilingkod ni Mayor Joseph Estrada, ang dating pangulo ng bansa na nahalal naman bilang punong-lungsod.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>