Inilabas Huwebes, Hunyo 28, 2018, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Tsina at World Trade Organization (WTO)." Anang white paper, pagkaraang sumapi sa WTO, sa mula't mula pa'y buong tatag na kinakatagan ng Tsina ang sistema ng multilateral na kalakalan, at komprehensibong nakikisangkot sa iba't ibang gawain ng WTO. Pinapasulong anito ng Tsina ang pagbibigay ng WTO ng mas malaking pagpapahalaga sa pagkabahala ng mga umuunlad na kasapi, tinututulan ang unilateralismo at proteksyonismo, at pinangangalagaan ang awtoridad at episyensiya ng sistema ng multilateral na kalakalan. Anito pa, pinapasulong ng Tsina, kasama ng iba't ibang kasapi, ang pagpapatingkad ng WTO ng mas malaking papel sa proseso ng globalisasyong pangkabuhayan.
Ayon sa white paper, aktibo ring pinapasulong ng Tsina ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, at komprehensibong nakikisangkot sa talastasan ng iba't ibang paksa ng Doha Round Trade Talks. Noong 2015, ang Tsina ay nagsilbing ika-16 na kasapi ng WTO na tumanggap ng Trade Facilitation Agreement (TFA).
Anang white paper, naninindigan ang Tsina sa maayos na paglutas sa mga alitang pangkalakalan, sa pamamagitan ng mekanismo ng pagresolba ng alitan ng WTO. Ayon sa estadistika, hanggang Abril ng 2018, inilunsad ng Tsina ang 17 pagsakdal sa WTO, at hinatulan ang 8 sa mga ito. Nagkaroon naman ng 27 pagsakdal laban sa Tsina, at hinatulan ang 23 sa mga ito.
Dagdag pa ng white paper, ang mekanismo ng pagsusuri sa patakarang pangkalakalan ng WTO ay makakatulong sa pagdaragdag ng transparency ng sistema ng multilateral na kalakalan. Lubos na pinahahalagahan anito ng Tsina ang pagsusuri sa patakarang pangkalakalan, at natanggap ang 6 na beses na pagsusuri ng WTO. Sumusulong din anito ang paghahanda ng Tsina para sa ika-7 beses na pagsusuri ng WTO sa Hulyo ng 2018. Sapul nang sumapi sa WTO, sumali ang Tsina sa halos 300 pagsusuri ng WTO sa ibang kasapi, dagdag pa ng white paper.
Salin: Vera