Sa isang panayam, ipinahayag kamakailan ni Ginoong Antonio S. Lopez, President at Publisher ng magasing "BizNewsAsia" ng Pilipinas, na halos perpekto ang plano ng Beijing para sa hinaharap. Nananalig aniya siyang ang Beijing ay magsisilbi bilang sentro ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya ng buong daigdig.
Mula noong Hunyo 26 hanggang 29, 2018, sa paanyaya ng Tanggapan ng Impormasyon ng pamahalaan ng Beijing at China Media Group CRI Online, pumunta sa Beijing si Ginoong Lopez upang dumalo sa aktibidad na "2018 Silk Road Rediscovery Tour of Beijing."
Makaraang bumisita siya sa ilang isinasagawang proyekto ng inobasyong pansiyensiya't panteknlohiya sa Beijing, ipinahayag ni Ginoong Lopez na nag-iwan sa kanya ng malalim na impresyon ang nasabing mga proyekto. Aniya, ang pag-unlad ng buong sangkatauhan ay depende sa pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya. Sa aspekto ng pagpapasulong ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, nagiging mainam ang ginawa ng Beijing, at umaasa siyang maalwang maisasakatuparan ng Beijing ang dakilang plano nito.
Samantala, nagpahayag din siya ng pasasalamat sa tagapagtaguyod ng nasabing aktibidad.
Salin: Li Feng