Binuksan Miyerkules, Abril 25, 2018 sa Dehong, Lalawigang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina ang Paligsahan ng Tsina't Myanmar sa Inobasyon at Entrepreneurship.
Ang tema ng nasabing paligsahan ay "Pagsasakatuparan ng Pangarap sa pamamgitan ng Teknolohiya't Inobasyon, at Magkasamang Pagtatatag ng China-Myanmar Economic Corridor." Kalahok sa pagligsahan ang 240 estudyante mula sa 20 koponang Tsino at 20 koponang taga-Myanmar mula sa iba't ibang unibersidad ng dalawang bansa.
Layon ng nabanggit na paligsahan na pasulungin ang pagtutulungan sa inobasyon at entrepreneurship, at ang pagpapalitan ng mga kabataan at mangangalakal ng Tsina't Myanmar. Ang nasabing pagligsahan ay isa rin sa mga aktibidad sa Taon ng Inobasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na natatapat sa 2018.
Ang Dehong na kahangga ng Myanmar ay matatagpuan sa China-Myanmar Economic Corridor.
Salin: Jade
Pulido: Rhio