IBINALITA ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na wala silang nababalitang may pagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kahit umano si Imus Bishop Rey Evangelista ay tumangging mayroong papel ang Simabahang Katolika sa pagkilos.
Hindi umano nila pinag-usapan ang issue kahapon sa kanyang pulong sa Catholic Bishops Conference of the Philippines na una nang ibinalita kahapon ng hapon.
Pumutok ang balita sa pahayag ni G. Pastor "Boy" Saycon na mayroong nagtatangkang manggulo. Ani G. Saycon, ang mga pahayag umano ni Pangulong Duterte laban sa Simbahan ang maaaring may kinalaman sa pagkilos na magpapatalsik sa pamahalaan.
Sa isa pang panayam, tumanggi si G. Saycon na Simbahan nga ang nasa likod ng pagtatangka laban sa pamahalaan.