Idinaos mula ika-26 hanggang ika-29 ng Hunyo, 2018, sa Nakhon Phanom, Thailand, ang Porum ng Turismo ng Mekong River sa Taong 2018. Sa ilalim ng temang "Pagbabago ng Turismo, Pagbabago ng Pamumuhay," halos 100 opisyal, dalubhasa, at mangangalakal mula sa Thailand, Tsina, Kambodia, Laos, Myanmar, at Biyetnam ang kalahok sa pagtitipon.
Nitong ilang taong nakalipas, ang Tsina ay naging pangunahing bansang pinagmumulan ng mga turista ng Thailand, Kambodya, Laos at Biyetnam. Ang bilang ng mga turistang Tsino na pumapasyal sa Thailand ay umaabot sa halos 10 milyong persontime bawat taon, at ito ay halos 30% ng dayuhang turista sa bansa. Kasunod ng paglaki ng bilang ng mga turistang Tsino, lumalaki ang pagpapahalaga ng mga tauhang panturismo ng mga bansang nakapaligid sa Mekong River ang pamilihang Tsino, at ginagamit na rin ang mobile payment na gaya ng UnionPay at Alipay sa nasabing mga bansa para umakit ng mas maraming turistang Tsino.
salin:Lele