|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Cambodia — Ipininid nitong Sabado, Enero 20, 2018, ang Eksbisyon ng mga Bunga ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) kung saan idinisplay ang mga natamong mahalagang bunga sapul nang maitatag ang naturang mekanismo. Lubos namang itong pinapurihan ng iba't-ibang panig.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Guo Yinghui, Puno ng Exhibition Department ng China Chamber of International Commerce, na ang nasabing eksbisyon ay may kinalaman sa mga pangunahing larangang gaya ng imprastruktura, enerhiya, agrikultura, at "internet plus." Naakit aniya nito ang halos 15 libong person-time na bisitang kinabibilangan ng mga opisyal, iskolar, estudyante, at mga mamamayang Kambodyano.
Sinabi naman ni SokSiphana, Sugo ng Pamahalaang Kambodyano, na ipinagkaloob ng eksbisyong ito ang isang modernong pananaw sa mga bansa sa Lancang-Mekong para mapabuti ang pamumuhay ng kanilang mga mamamayan sa pamamagitan ng mataas na siyensiya't teknolohiya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |