|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Lunes, Hulyo 2, 2018, ni Wilbur Ross, Kalihim ng Komersyo ng Amerika, na bagama't ipinalalagay ng panig Amerikano na kailangang isagawa ang reporma sa World Trade Organization (WTO), maaga pa ngayon para pag-usapan ang pagtalikod ng Amerika sa WTO.
Idinagdag pa niya na maghihintay ang panig Amerikano ng resulta ng pagsasagawa ng reporma sa WTO.
Samantala, nagbabala ang mga American trade experts na kung tatalikod ang Amerika sa WTO at magsasagawa ng unilateral actions, grabe itong makakapinsala sa bisa at reputasyon ng multilateral na sistemang pangkalakalan, at makakapagpalaki ng panganib ng pagsiklab ng trade conflict sa pagitan ng Amerika at mga trade partners nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |