|
||||||||
|
||
MADALI NA SANA. Ito ang sinabi ni dating Congressman at NDF Negotiator Satur Ocampo (gitna. Madali na umanong maglagdaan ang magkabilang-panig kung hindi nagbago ang pahayag at paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Roy Lagarde)
NANINIWALA naman si National Democractic Front Consultant at dating Congressman Satur Ocampo na malapit nang makamtan ang nais na kapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at pamahalaan kung hindi biglang nagbago ang paniniwala ni Pangulong Duterte.
Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina, niliwanag ni G. Ocampo na kahit sina peace Adviser Jesus Dureza ay nagsabing malapit nang magkasundo ang magkabilang panig bago natapos ang buwan ng Hunyo kung hindi naiba ang pahayag ng pangulo noong kalagitnaan ng buwan.
Samantala, sinabi ni G. Ocampo na hindi labag sa batas ang pagpapalawak at pangangalap ng mga kasapi ang mga Komunista sapagkat mayroon ding mga pagkilos ang pamahalaan samantalang walang mga labanang nagaganap.
Sa karanasan ng mga Moro National Liberation Front, umasa na lamang sila sa kaunlarang ipinangako ng pamahalaan kaya't marami ang umalis sa hanay at tuluyan nang nabawasan ang kanilang hanay.
Hindi umano magaganap ang pangyayaring ito sa New People's Army, Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |