AYON kay retired Commodore Rex Robles, kasapi sa consultative commission, makararating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang pinagtalunan sa loob ng ilang buwan. Ito ang mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas na magsusulong sa Federalismo.
MAKABUBUTING BASAHIN ANG MGA PANUKALA. Ayon kay dating Commodore Rex Robles, dapat basahin ng madla ang mga nilalaman ng buradol cupang masusugan ang Saligang Batas ng bansa. Magandang pag-usapan ang mga panukala bago sila husgahan, (Roy Lagarde)
Mayroong panukalang 18 rehiyon sa bansa, dagdag pa ni Commodore Robles kasabay ng panawagang bahasing mabuti ang nilalaman ng kanilang mga panukala upang mabatid ang mga minimithing pagbabago.
Subalit may pagdududa rin si Commodore Robles kung makapapasa sa Kongreso at Senado ang kanilang mga panukala sapagkat kabilang sa kanilang pinagkasunduan ang pagbabawal sa pagpapalipat-lipat ng partido, pagbabawal sa mga magkakamag-anak na kumandidato sa iba't ibang posisyon.