|
||||||||
|
||
BINARIL at napatay ang kontrobersyal na punong lungsod ng Tanauan, Batangas kaninang umaga samantalang idinaraos ang pagtataas ng watawat sa kanilang tanggapan.
Nakilala ang biktima sa pangalang Antonio Halolo. Isang sniper ang sinasabing namaril sa biktima na isinugod kaagad sa pagamutan subalit reklaradong nasawi bago sumapit ang ikasiyam ng umaga sa CP Reyes Medical Center.
Pinaghahanap na ang may kagagawan ng pamamaril. Magkakasama ang mga opisyal ng lungsod samantalang itinataas ng watawat ng barilin ang punong lungsod na natanyag sa pagpaparada ng mga pinaghihinalaang drug pusher at mga magnanakaw sa kanyang nasasakupan.
Inireklamo na ang pungong lungsod sa Commission on Human Rights subalit di naman natinag.
Sa likod ng kanyang kakaibang pagtrato sa mga drug pusher, inalisan siya ng poder sa mga pulis sanhi umano ng pagiging sangkot sa kalakal ng bawal na gamot.
Sinabi naman ni Chief Supt. Edward Carranza, police director ng CALABARZON na walang iba pang nasugatan sa pamamaril.
Samantala, sinabi naman ng Human Rights Watch na ang pagpatay kay Mayor Halili ng Tanauan city, tulad ng libu-libong pagpatay sa war on drugs ni Pangulong Duterte ay kailangang masiyasat kaagad.
Ayon sa pahayag, samantalang kontra ang Human Rights Watch sa kanyang paraan ng pagtugon sa krimen at illegal drugs, kinokondena rin nila ang pagpaslang. Maaaring nawalan ng due process ang mga mamamayan ng lungsod subalit 'di naman nangangailangan na mawalan din siya ng karapatan sa due process.
Nanawagang muli ang Human Rights Watch na wakasan na ang kultura ng kawalan ng nananagot sa mga krimeng naganap sa bansa tulad ng pagpatay sa mga pinaghihinalaang criminal, aktibista, katutubo, mamamahayag at mga pari at mga politikong tulad ni Mayor Halili.
Ayon kay Carlos Conde ng Human Rights Watch, matutuldukan ang mga krimeng tulad nito kung masisiyasat ang mga krimen, madakip ang mga magkagagawan ng krimen, maipagsakdal at malitis sa hukuman.
Inilabas naman ng pulisya ang mga larawan ng posibleng pinagkutaan ng mamamatay- tao sa Tanauan City kanina. Pinaniniwalaan ng pulisya na sa madamong pook naghanda ang sniper na bumaril sa punong-lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, may 22 metro ang layo ng namaril sa biktima at nasa mas mataas na pook. Nakatagpo ang pulisya ngisang basyo ng bala sa pook.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |