Ang 79 taong gulang na si Song Peilun ay isang alagad ng sining. Tinalikuran niya ang pagkakataong manatili sa Estados Unidos, at bumalik sa Guiyang, Lalawigang Guizhou ng Tsina. Doon, sinimulan niya ang pagtatayo ng kanyang pangarap na kastilyong "Yelang."
Sa loob ng kastilyo, pinaliligiran ng mahigit 300 istatuwa ang magkabilang pampang ng isang sapa. Ang inspirasyon ng mga istatuwa ay mula sa Nuo opera, isang tradisyon ng pagpapalaya ng masamang espiritu, sa pamamagitan ng pagmamaskara.
Salin: Vera