Ang taong ito ay "Taon ng Inobasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)," at ika-15 anibersaryo ng pagkakaroon ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Idinaos Hulyo 5, 2018, sa Shanghai ang Simposyum ng pamumuhunan ng mga Bahay-kalakal na Tsino sa ASEAN sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI). Itinaguyod ito ng China Public Diplomacy Association at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayan ng Lunsod ng Shanghai.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na malaki ang protensiyal ng kooperasyon at mainam ang tunguhin ng win-win situation. Sinang-ayunan nilang patuloy na palalakasin ang konstruksyon ng BRI, at palalimin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Anila, dapat gamitin ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang bagong pagkakataon sa pakikipagtulungan sa mga counterpart na ASEAN at palalimin ang pagkaunawa sa isa't isa, at nang sa gayo'y, pabutihin ang pamumuhunan sa ASEAN.
Salin:Lele