Sa isang promosyong idinaos kamakalawa, Linggo, ika-20 ng Mayo 2018, sa Jakarta, Indonesya, ipinahayag ni Zhu Jinping, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng China Campus Network (CCN), na makikipagtulungan ang organisasyong ito sa mga bahay-kalakal upang hubugin ang mga talento para sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative.
Isinalaysay ni Zhu, na simula noong isang taon, nagtutulungan ang CCN, China-ASEAN Education and Training Association, at mga bahay-kalakal na Tsino na may negosyo sa ibang bansa, upang isagawa ang proyekto sa mga bansang ASEAN ng paghubog ng mga talento para sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative. Ani Zhu, layon nilang hubugin ang mga lokal na talento, para magkamit ng pandaigdig na kaalaman at kakayahan sa transnasyonal na negosyo; at isa sa mga paraan ay paghihikayat ng mga lokal na estudyante na mag-aral sa Tsina.
Dagdag ni Zhu, nitong ilang taong nakalipas, maraming malalaking bahay-kalakal na Tsino ang nagbubukas ng negosyo sa Indonesya, at kinakailangan nila ang mga lokal na talento. Aniya, sa background na ito, ang mga talento nilang huhubugin ay magkakaroon ng mas mabuting pagkakataon para sa paghahanapbuhay, at mas malaking posibilidad sa pag-unlad sa karera.
Salin: Liu Kai