|
||||||||
|
||
Sapul noong Marso ng kasalukuyang taon, ang trade conflict sa pagitan ng Tsina at Amerika ay nagdudulot ng maraming di-matatag na elemento, hindi lamang sa relasyong Sino-Amerikano, kundi maging sa kabuhayang pandaigdig. Kung talagang sisiklab ang digmaang pangkalakalan ng dalawang bansa, mapipinsala dito ang kapwa panig.
Mawawalan ang Tsina at Amerika ng limang nakatagaong kapakanan na gaya ng: una, mawawalan ang Tsina at Amerika ng malawakang espasyong pangkooperasyon sa hinaharap; ikalawa, mawawalan ang dalawang bansa ng napakalaking kapakanang dulot ng global industrial chain; ikatlo, mawawalan ang kabuhayang pandaigdig ng malaking pagkakataong historikal ng pag-ahon; ikaapat, mawawala ang kaayusan at regulasyong pandaigdig na nabuo nitong mga taong nakalipas, bagay na magdudulot ng paglitaw ng kaguluhan sa kabuhayang pandaigdig; at ikalima, mawawalan ang Amerika ng napakalaking kapakanan mula sa Chinese market.
Ngunit, kung ikokonsidera ng dalawang panig ang problema sa isa pang ideya, at ititigil ang kanilang digmaang pangkalakalan, posibleng makalikha ng "himala" sa kasaysayan ng pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng kanilang magkasamang pagsisikap, una, paluluwagin ng Amerika ang pagluluwas ng mga high-tech products; ikalawa, magkasamang pasusulungin ng dalawang bansa ang digital economy; ikatlo, pabibilisin ang Bilateral Investment Treaty (BIT) Talks; ikaapat, palalakasin ang kooperasyong Sino-Amerikano sa "Belt and Road" Initiative; ikalima, pasusulungin ang Free Trade Agreement (FTA) Talks ng dalawang bansa.
Kung babaguhin ng Amerika ang ideya nito, puwedeng madaling mabawasan ang 250 biylong dolyares na trade deficit na iniharap ni US President Donald Trump. Tiyak na sasalubungin pa ng bilateral na kalakalan ang mas malaking pag-unlad.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |