Ipinahayag sa Beijing Huwebes, Hunyo 21, 2018, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang unilateral na pagpataw ng taripa ng pamahalaang Amerikano ay nagdudulot ng pagkabahala at pagtutol ng parami nang paraming mamamayan mula sa iba't ibang sektor ng Amerika.
Aniya, ang pagsasagawa ng pamahalaang Amerikano ng unilateral na hakbangin ng proteksyonismo ay makakasira, sa bandang huli, sa interes ng mga bahay-kalakal, mga manggagawa at mga magsasaka sa loob ng bansa. Bukod dito, mapipinsala rin aniya ang kabuhayang pandaigdig, kaya, ang reaksyon ng pagtutol ay tiyak na magiging mas malawak. Umaasa aniya siyang papansinin ng Amerika ang panawagan ng iba't ibang sektor, at babalik sa tumpak na landas.
salin:lele