Noong ika-5 ng Hulyo, sa Vienna, sa magkasanib na preskon, kasama ng kanyang Austrian counterpart, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang paglaban ng kanyang bansa sa proteksyonismong pangkalakalan ay hindi lamang para sa sariling interes, kundi rin sa komong interes ng iba't ibang bansa ng daigdig, na kinabibilangan ng mga bansa ng Unyong Europeo. Dagdag ni Wang, ang Tsina ay nasa unang prante ng paglaban sa unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan, at hindi dapat maghalukipkip ang mga ibang bansa.
Sa katotohanan, ang paninindigan ng ministrong panlabas na Tsino ay kinakatigan ng maraming bansa. Isinasagawa rin ng Canada, Mexico, Rusya, at iba pang bansa ang mga hakbangin, katulad ng Tsina, bilang tugon sa digmaang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika sa kani-kanilang bansa. Hanggang kahapon, ika-8 ng Hulyo, umabot na sa 75 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng mga produktong Amerikano, kung saan pinapatawan ng mga bansa ng karagdagang taripa.
Sinabi naman ng Nikkei Asian Review, isang magasing Hapones, na ang kasalukuyang digmaang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika ay posibleng magdulot ng pagbulusok ng kabuhayang pandaigdig. Anito, dapat buong pagkakaisang himukin ng mga maunlad na bansa ang pamahalaan ni Donald Trump, na mapagtanto ang kahalagahan ng malayang kalakalan, at dapat magkakasamang ipahayag ng mga malaking kompanya ng Hapon, Europa, at Amerika, ang pagtutol sa mga hakbangin ng proteksyonismong pangkalakalan ni Trump.
Sa ilalim ng globalisasyon, pinag-uugnay ang interes ng iba't ibang bansa sa pamamagitan ng industry chain at value chain. Sa harap ng digmaang pangkalakalan, dapat isabalikat ng iba't ibang panig ang komong obligasyon at responsibilidad, para bawasan sa pinakamaliit ang negatibong epektong dulot ng unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan sa pag-ahon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Ito ay siyang tanging landas tungo sa win-win result.
Salin: Liu Kai