|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, dumating ng Berlin Linggo, Hulyo 8 (local time), 2018, si Premyer Li Keqiang ng Tsina para sa opisyal na pagdalaw sa Alemanya.
Ipinahayag ni Premyer Li na ang pagdadalawan sa isa't-isa ng mga lider ng dalawang bansa ay lubos na nagpapakita ng mainam na relasyong Sino-Aleman at komong hangarin ng pagpapalakas ng kooperasyon. Aniya, sa kasalukuyan, ang mekanismo ng pagsasanggunian ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ay isang plataporma ng diyalogo at pagpapalitan na may pinakamataas na lebel, pinamalaking saklaw, at pinakamalawak na larangan.
Dagdag pa niya, dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Alemanya upang makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pangangalaga sa malayang kalakalan, multilateralism, at pagkakapantay-pantay at katarungan ng kaayusang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |