Nag-usap noong ika-9 ng Hulyo, 2018, sa Berlin sina Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya.
Ipinahayag ni Li na ang Tsina at Alemanya ay kapuwa mga pangunahing ekonomiya ng daigdig, dapat magpalalim ang dalawang bansa ng bilateral at multilateral na kooperasyon, magkasamang magpalabas ng positibong signal ng pagkatig sa malayang kalakalan, pagkakapantay ng kalakalan, pangangalaga ng katarungan ng pandaigdigang kaayusan, at nang sa gayo'y, magpasulong ng paglaki ng kalakalang pandaigdig at patuloy na pag-ahon ng kabuhayan ng mundo.
Sinabi ni Merkel na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng daigdig, mahalagang-mahalaga ang pagpapasulong ng Alemanya at Tsina sa kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at teknolohiya, at pagkakaroon ng tunay na pagpapalitan. Ikinasiya aniya ng Alemanya ang pagsasagawa ng mga hakbangin ng pagpapalawak ng pagbukas ng Tsina sa Alemanya.
salin:Lele