POSIBLENG makamtan ang 5.1% inflation rate ngayong Hunyo dala nang mas mataas na halaga ng bigas at iba pang produktong mula sa mga sakahan. Ito ang pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Economic Research ng BSP, sa kanilang pananaw, ang inflation na ang sandigan ay mula noong 2012 ng Hunyo ay makakamtan ang inflation mula 4.3 hanggang 5.1 percent range.
Ang mga problema sa panahon ang siyang nagpagalaw sa presyo at supply ng bigas at iba pang bilihin. Tumaas pa ang bawat kilo ng liquified petroleum gas.
Ang kakulangan ng bigas ang siyang nagpataas ng presyo nito samantalang mas mahal ang commercial variety. Tumaas din ng P 3.40 bawat kilo ang LPG na pangliuo samantalang tumaas ng P 1.90 ang LPG na ikinakarga sa mga sasakyan.
Mababawasan ang epekto nito sa pagbaba ng halaga ng petrolyo. Bumaba rin ang presyo ng kuryente sa mga nsasakupan ng Meralco.