Hulyo 10, 2018, Beijing--Magkakasamang kinatagpo ang mga mamamahayag nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, Adel al-Jubeir, Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia, at Ahmed Aboul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng Arab League, isinalaysay nila ang mga bunga ng katatapos na Ika-8 Pulong na Ministeriyal ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at mga Bansang Arabe (CASCF).
Sinabi ni Wang Yi na ang pulong na ito ay lumikha ng kasaysayan. Aniya, sa seremonya ng pagbubukas, idineklara ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na itatag ang estratehikong partnership na may komprehensibong kooperasyon, komong pag-unlad, at pagharap sa kinabukasan. At ito ay bagong pagsimula ng relasyon ng Tsina at mga bansang Arabe.
Nilagdaan ng mga kalahok na panig ang tatlong dokumentong pangkooperasyong kinabibilangan ng "Beijing Declaration," "2018-2020 action plan ng CASCF," and "Declaration of Action on Sino-Arab Belt and Road Cooperation."
salin:Lele