Biyernes, Hulyo 13, 2018, idinaos ng Consulate General ng Tsina sa Denpasar, Indonesia ang talakayan ng mga mediang Tsino at Indones na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa mga pangunahing media ng dalawang bansa. Magkasamang tinalakay ng dalawang panig ang tungkol sa kanilang kooperasyon upang mapalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Gou Haodong, Consul General ng Tsina sa Denpasar, na nitong ilang taong nakalipas, humihigpit nang humihigpit ang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng Tsina at Indonesia. Ngunit aniya, hindi sapat ang kanilang pag-uunawaan, partikular, ang umiiral na di-pagkaunawaan sa mga isyu tulad ng pangangalaga sa kapaligiran, at relihiyon. Kaya, nitong dalawang buwang nakalipas, ini-organisa ng kanyang Consulate General ang grupo ng mamamahayag at religious leaders ng Indonesia sa pagbisita sa Tsina upang mapalalim ang kanilang pagkaunawa sa bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng