Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pasuguan ng Tsina sa Indonesia at PBNU, magkasamang nagdiwang ng Hari Raya Puasa

(GMT+08:00) 2018-05-24 14:48:50       CRI

Pesantren Luhur Al-Tsaqafah, Jakarta—Miyerkules, Mayo 23, 2018, sa ika-7 araw ng Ramadan, magkasanib na itinaguyod ng Pasuguan ng Tsina sa Indonesia at Samahan ng mga Islamic Clergyman ng Indonesia (Pengurus Besar Nahdlatul Ulama o PBNU) ang isang serye ng aktibidad hinggil sa Hari Raya Puasa at donasyon. Ang Hari Raya Puasa ay nangangahulugang "Araw ng Selebrasyon," ito ay tanda ng pagtatapos ng Ramadan.

Nagbigay si Embahador Xiao Qian ng pondo at materyal sa mahihirap na estudyante.

Mga estudyanteng kalahok sa aktibidad

Ayon kay Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesia, tinatangkilik ng kanyang pasuguan ang ganitong aktibidad nitong nakalipas na 3 taong singkad. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, sa ngalan ng kanyang pasuguan at mahigit 23 milyong Muslim sa Tsina, maipapa-abot ang pinakamatapat na pangungumusta at magandang pagbati sa Ramadan sa mga Muslim ng Indonesia.

Si Xiao Qian (kanan), Embahador ng Tsina sa Indonesia, kasama si KH. Said Aqil Siroj (kaliwa), Tagapangulo ng PBNU

Nagbigay rin si Xiao, kasama si KH. Said Aqil Siroj, Tagapangulo ng PBNU, ng pondo at materyal sa mahihirap na estudyante at residente sa paligid. Sumaksi rin sila sa seremonya ng pagsisimula ng proyketo ng ika-2 pangkat ng mga komprehensibong instalasyong pangkalusugan para sa kaginhawahan ng mga mamamayan. Ang proyektong ito ay magkasanib na isinagawa ng Pasuguang Tsino at PBNU. Idineliber na ang unang pangkat ng dalawang instalasyong pangkalusugan sa Banten, pinaka-kanlurang isla sa probinsya ng Java, bagay na nakapagpabuti ng kondisyon ng pamumuhay ng mga mamamayang lokal. Sa kasalukuyang taon, itatatag sa West Java ang 5 instalasyon ng malinis na tubig-inumin, na kinabibilangan ng balon, water tank, pasilidad ng pagpapalinis ng tubig, palikuran, paliguan at iba pa, para magkaloob ng ginhawa sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taga-nayon sa paligid.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>