Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Localized peace talks, kinontra ng Communist Party of the Philippines

(GMT+08:00) 2018-07-16 17:13:12       CRI

TINANGGIHAN ng Communist Party of the Philippines ang panukala ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng "localized peace talks" sapagkat magtatangka si Pangulong Duterte na nagnanais ng kapayapaan samantalang naglulunsad ng pakikidigma laban sa mga mamamayan,

Ayon sa pahayag mula sa CPP, ito ang kanilang reaksyon sa balitang nagmula sa Malacanang na nagsabing maglalabas ng executive order na magsusulong ng peace talks sa iba't ibang bahagi ng bansa samantalang nakabimbin ang pag-uusap ng pamahalaan at National Democratic Front.

Ang sinasabing localized peace talks ay pagkukunwari lamang at pag-aaksaya ng salapi ng taongbayan na hindi naman magtatagumpay. Isang psychological warfare tactic lamang ito upang magkunwaring nagwawagi samantalang nahihirapan ang Armed Forces of the Philippines na masupil ang pakikidigma ng mga mamamayan sa likod ng paglago ng kasapi sa New People's Army. Magpapatuloy ang pakikibaka.

Isusunod ang localized peace talks sa maanomalyang "balik-baril" program, ang Comprehensive Local Integration Program at ang pagpapasuko ng mga pumapanig sa mga kalaban ng pamahalaan.

Tanging ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal at mga kawal ang siyang makikinabang sa localized peace talks at ang salaping ilalaan ditto ay matutungo sa bulsa ng mga nangangasiwa.

Magpapakitang muli ang mga kawal at mga opisyal ng mga pamahalaang-lokal ng mga susuko tulad ng halos 8,000 mga sumuko mula noong Enero samantalang mayroon lamang 3,000 kasapi ang New People's Army.

Anang CPP, sa magaganap na localized peace talks, makikipag-usap lamang si Pangulong Duterte sa kanyang sariling anino.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>