|
||||||||
|
||
NADAGDAGAN ang padalang salapi ng mga Filipino mula sa ibang bansa noong nakalipas na buwan ng Mayo at umabot sa US$ 2.7 bilyon, mas mataas ng 6.1% kung ihahambing sa ipinadalang naitala noong Mayo ng 2017.
Lumago ang personal remittances ng may 4.4 % sa paghahambing sa ipinadalang salapi noong unang limang buwan ng 2017.
FOREIGN REMITTANCES, TUMAAS PA. Ito ang ibinalita ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr. sa sang pahayag kanin. (File Photo/Melo Acuna)
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr., ang personal remittances sa unang limang buwan ng taong 2018 ay umabot sa US$ 13.2 bilyon. Umabot naman sa US$% 10.2 bilyon ang naipadalang salapi ng mga manggagawang may kontratang higit sa isang taon samantalang ang naipadalang salapi ng mga manggagawang walang isang taon ang mga kontrata ay umabot sa US$ 2.7 bilyon.
Tumaas din ang salaping idinaan sa mga bangko ng may 6.9% sa halagang US$ 2.5 bilyon. Lumago ang salaping ipinadala ng mga manggagawang nagtatrabaho sa iba't ibang kumpanyang land-based ng 5.3% sa halagang US$ 1.9 bilyon at 13.2% sa sea-based workers na umabot naman sa US$0.5 bilyon.
Sa inilagong 6.9% noong Mayo, 2.6% ang mula sa Estados Unidos, 1.6% naman ang mula sa United Kingdom at 1.3% ang nagmula sa Singapore.
Mula unang araw ng Enero hanggang ngayon, umabot na sa 4.2% ang dagdag at nakamtan ang halagang US$ 11.8. Ang cash remittances mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Qatar, Hong Kong, Germany at Kuwait ang pinagmulan ng 78% ng buong halaga.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |