Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Padala ng mga OFW, lumago sa unang dalawang buwan ng 2017

(GMT+08:00) 2017-04-17 18:40:44       CRI

UMABOT sa US$ 4.8 bilyon ang ipinadalang salapi ng mga manggagawang Filipino mula sa ibang bansa sa unang dalawang buwan ng 2017.

Ayon sa kay Officer-In-Charge Nestor A. Espenilla, Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa US$ 2.4 bilyon ang ipinadalang salapi ng mga Filipino noong nakalipas na Pebrero. Kung ihahambing sa naipadala noong Pebrero ng 2016, lumago ito ng 3.3%.

Kung sa unang dalawang buwan ng 2017, lumago ito ng 5.9%. Ang personal remittances ng mga land-based worker na mayroong higit sa isang taong kontrata, ay lumago ng 9.1% sa halagang US$ 3.8 bilyon. Ang sea-based and land-based workers na may kontratang mababa sa isang taon ay kinakitaan ng pagbaba ng 5.0% sa halagang US$ 0.9 bilyong kung ihahambing sa nakalipas na taon.

Ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 2.2 bilyon noong Pebrero at mas mataas na 3.4% sa naitala noong Pebrero ng 2016. Higit sa 3.4 sa halagang US$ 1.7 bilyon ang ipinadala ng land-based workers samantalang ang kalahating bilyong dolyar ang ipinadala ng mga magdaragat.

Nagmula ang malaking bahagi ng remittances noong Pebrero sa Estados Unidos, United Arab Emirates, Qatar, Singapore,. Taiwan at Japan. Ang dagdag na 12.8% growth sa padalang salapi mula sa Estados Unidos ang nakadagdag ng 3.9 percentage points sa paglago ng cash remittances.

Lumago ang remittances mula sa UAE ng may 23.7%, sa Qatar ng may 53.5%, sa Singapore ng may 17.5%, Taiwan ng 64.4% at Japan na nagkaroon ng 11.3% at kung susumahin ay aabot sa 5.5 percentage points. Bahagyang nabawi ito ng pagbaba ng mga padala mula sa Hong Kong, Canada, China at Kuwait na nagkaroon ng 5.1% points sa buong cash remittances.

Umabot sa 5.9% ang dagdag sa salaping nakamtan sa unang dalawang buwan ng 2017 at mas mataas ng 5.9% sa nakalipas na taon. Ang cash remittances mula sa land-based workers ay lumago ng 9.1% sa halagang US$ 3.5 bilyon) na pangtapat sa kabawasang 5.0% sa sea-based workers na umabot naman sa US$ 0.9 bilyon.

Ayon kay G. Espenilla, halos 80% ng cash remittances sa unang dalawang buwan ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, U. A. E., Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Australia.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>