Ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ng tagapagsalita ng National Development and Reform Commission ng Tsina na sa huling hati ng taong ito, mayroong kompiyansa at sapat na kakayahan ang Tsina na isasakatuparan ang pangkabuhayang target na itinakda sa unang dako ng taong ito. Mayroong mga patakaran rin ang Tsina na harapin ang di-matukoy na kalagayan ng kabuhayang pandaigdig.
Ayon sa estadista na ipinalabas ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, ang kabuuang halaga ng produksyong panloob o GDP ng Tsina ay lumaki ng 6.8% kumpara sa gayon din panahon ng nagdaang taon, at napapanatili nito sa loob ng 6.7—6.9% sa magkasunod na dalawang kuwarter. Hinggil dito, ipinahayag ni Yan Pengcheng, tagapagsalita ng National Development and Reform Commission ng Tsina na ito ay lubos na nagpakita ng kalakasan at katatagan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, naglatag rin ito ng matatag na pundasyon para sa pagharap ng iba't ibang hamon. Sa darating na huling hati ng taong ito, may pag-asa ang kabuhayang Tsino na mapapanatili ang mabuti at matatag na tunguhin.
Salin:Sarah