Sa ulat na ipinalabas kamakailan, tinaya ng National Academy of Economic Strategy ng Chinese Academy of Social Sciences, na umabot sa 6.8% ang paglaki ng GDP ng Tsina noong 2017.
Sinabi ng naturang akademiya, na noong isang taon, napanatili ang tunguhin ng pagiging matatag at mabuti ng takbo ng kabuhayang Tsino, at patuloy na nadagdagan ang mga bagong lakas sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan.
Ayon pa rin sa pagtaya ng akademiyang ito, sa taong 2018, may pag-asang aabot sa 6.7% ang paglaki ng GDP ng Tsina. Iminungkahi rin nitong sa kondisyon ng paggarantiya sa matatag na pangangailangan sa loob ng bansa, ibayo pang palalalimin ang supply-side structural reform, para maging tuluy-tuloy ang pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai