Beijing — Idinaos nitong Sabado, Enero 13, 2018, ang Ika-9 na Porum ng Prospek ng Kabuhayang Tsino na may temang "Kabuhayang Tsino sa Bagong Siglo."
Sa kanyang talumpati sa porum, ipinahayag ni Li Wei, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng malusog na pag-unlad ng kabuhayan ay angkop sa di-maiiwasang pangangailangan sa pag-unlad ng bansa. Aniya, ang kasalukuyang taon ay mahalagang taon upang mapasulong ang mainam at malusog na pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
Ang porum ay magkakasamang itinaguyod ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, China Economic Times, Akademya ng Pananaliksik sa Kabuhayan ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Salin: Li Feng