|
||||||||
|
||
WALANG DEBT TRAP NA NAKIKITA. Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III sa tanong kung hindi maiipit ang Pilipinas sa pagkakautang dahil sa mga proyektong saklaw ng "Build, Build, Build" sapagkat mayroong feasibility studies na gnaw ang kinauukulan. (Melo M. Acuna)
WALANG panganib na mabaon sa utang ang Pilipinas sa mga proyektong mula sa soft loans ng Tsina. Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa isang panayam.
Sinabi ni Secretary Dominguez na ang mga proyektong tulad ng Chico River Pump Project ay nagmula sa masusing pag-aaral sa pangangailangan ng mga magsasaka sa Hilagang Luzon. Bago pa man matapos ang proyekto ay nag-aabang na ang mga magsasaka sa biyayang idudulot ng proyekto.
Isang malaking problema ang pagkakabaon sa utang lalo na't walang ginawang pag-aaral ang mga kinauukulan.
Ito rin ang kalagayan ng New Centennial Water Source Project o Kaliwa Dam sa silangang bahagi ng Metro Manila. Ipinaliwanag ni G. Dominguez na ang tubig ay tunay na kailangan ng mga naninirahan sa Metro Manila kaya't makatutulong ang proyekto ng hindi na pag-iisipan pa kung makatutugon ba ang kita ng proyekto sa pagbabayad sa pagkakautang nito.
Niliwanag din ni Secretary Dominguez na ang proyekto sa Bicol na nagkakahalaga ng P 170 bilyon ay makakatulong din sa ekonomiya ng Bicol Region ang proyekto kaya't makatitiyak ang pamahalaang positibo ang epekto nito sa mga mamamayan.
Idinagdag pa ni Secretary Dominguez na ang mga proyektong tinustusan ng Tsina ay mula sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |