Inilathala kamakailan ang aklat na pinamagatang "Pag-aaral sa Ideya ni Xi Jinping Tungkol sa Reporma at Pagbubukas sa Labas." Ito ay nakakatawag ngayon ng malawakang pansin at papuri mula sa sirkulo ng opinyong publiko.
Tinukoy ng mga tagapag-analisa na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Napapanahon ang paglalathala ng nasabing aklat. Anila, sa pagpasok ng reporma ng Tsina sa masusuing panahon, ang naturang ideya ni Xi ay nagkakaloob ng mahalagang patnubay ng teorya para sa pag-unlad ng bansa sa susunod na yugto.
Ang nasabing aklat ay inilathala ng People's Publishing House ng Tsina. Ito ang unang aklat kung saan sistematikong ipinaliwanag ang ideya ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa reporma at pagbubukas sa labas. Ito ay komprehensibong nag-aanalisa at nagpapaliwanag ng nasabing ideya ni Xi.
Iniulat ang hinggil sa paglalathala ng nasabing aklat ng mga dayuhang media na gaya ng Russian Gazeta, Pasaxon Newspaper, Internacional Radio, Dainik Savera Times, Tass News Agency at iba pa.
Salin: Li Feng